Awit | Salmo Sandaán Dalawampút-Waló (128): Ang Bunga ng Pagsunód sa Panginoón
Pakinggan
Mapalad ang bawat tao na sa Diyós ay may takót,
ang maalab na adhiká’y sumunód sa kaniyáng utos.
Hindî siyá magkukulang sa anumáng kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kaniyáng buhay.
Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong taním na olibo sa may dulang ang anák n’yá.
Ang sinumán kung ang Diyós buóng pusong susundin,
buhay niyá ay uunlád at laging pagpapalain.
Mulâ sa Sion, pagpapalà nawâ ng Diyós ay tanggapín,
at makita habang buhay, pag-unlád ng Jerusalem.
Ang magiging iyóng apo, nawâ ikáw ay abutin,
nawá’y magíng mapayapà itóng bayan ng Israél!
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society.
Ang Aming Pakay: Mga yaman ng Litúrhiyang Tagalog | Litúrhiyang Filipino sa paghahandâ ng lingguhang pagdiriwang sa Misang Tagalog | Misang Filipino, sa Eukaristiya, ng pagliligtás ni Hesús sa atin: mga awit, salmong Tagalog, salmong Filipino, pagbasa sa Filipino | Tagalog.
Our mission: Filipino liturgy | Tagalog liturgy resources for preparing for the Tagalog Mass | Filipino Mass, the weekly celebration in the Eucharist of our redemption by Jesus: Tagalog hymns, Tagalog songs, Tagalog psalms, Tagalog readings, Filipino hymns, Filipino songs, Filipino psalms, Filipino readings, Pilipino hymns, Pilipino songs, Pilipino psalms, Pilipino readings for the Tagalog Eucharist, Filipino Eucharist.
Karapatáng-sipì © 2006-2025 Magsimba Press. Vic Romero, Editor. Nakabukód lahát ang karapatán. All rights reserved. Since 2006-08-04. Dumadalaw kayó mulâ sa IP 216.73.216.49