Litúrhiya. Filipino. | www.magsimba.com | Filipino Liturgy
Uwian KALENDARYO AWITIN Salmo YAMAN MISA CONTACT

Mga Pagbasa sa Burol o Libíng

Tinatapos pa, pero puede nang gamitin.
Pumilì ng isáng pagbasa sa bawat seksyón: Lumáng Tipán, Bagóng Tipán at Magandáng Balità:

Lumang Tipán


Sofonias 3:14-18a

Leksyonaryo 9
Umawit ka nang malakas, Lunsod ng Sion;
sumigaw ka, Israel!
Magalak ka nang lubusan, Lunsod ng Jerusalem!
Ang mga nagpaparusa sa iyo ay inalis na ng Panginoon,
at itinapon niya ang inyong mga kaaway.
Nasa kalagitnaan mo ang Hari ng Israel, ang Panginoon;
wala nang kasawiang dapat pang katakutan.
Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem:
“Huwag kang matakot, Sion;
huwag manghina ang iyong loob.
Nasa piling mo ang Panginoong iyong Diyos, arrow right

Ezekiel 37:12-14

Leksyonaryo 34
Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta Ezekiel

Ito ang sinabi ng Panginoong Diyos:
“Magpahayag ka.
Sabihin mong ipinasasabi ko:
Bayan ko,
ibubukas ko ang inyong libingan.
Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan.
Kung maibukas ko na ang inyong libingan at maibangon ko kayo,
makikilala ninyong ako ang Panginoon.
Hihingahan ko kayo
upang kayo’y mabuhay,
at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan.
Sa gayon,
malala arrow right

Deuteronomio 11:18, 26-28, 32

Leksyonaryo 85
Pagpapahayag mula sa Aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa bayan:
“Kailangang ang mga utos na ito’y itanim ninyó
sa inyóng mga puso’t isipan.
Ipulupot ninyó ito sa inyóng mga kamay bilang tanda,
at itali sa inyóng noo.
Sa araw na ito,
itatakda ko sa inyó ang pagpapala at sumpa.
Pagpapalain kayó ng Panginoón
kapag sinunod ninyó ang kaniyáng mga utos,
ngunit susumpain niyá kayó
kapag sumamba kayó sa ibang Diyós
sa ha arrow right

1 Hari 19:16b, 19-21

Leksyonaryo 99
Noong mga araw na iyon,
sinabi ng Panginoón kay Elias:
“Pahiran mo ng langis si Eliseo na anak ni Safat na taga-Abel-mehola,
bilang propetang hahalili sa iyo."
Umalis si Elias at natagpuan niyá si Eliseo na nag-aararo.
Labindalawang pares ng toro ang ginagamit niyá,
at kaagapay siyá ng huling pares.
Pagdaan ni Elias sa tapat ni Eliseo,
isinuklob niyá rito ang kaniyáng balabal.
Pagdaka’y iniwan ni Eliseo ang mga toro,
humabol kay Elias a arrow right

Isaias 40:1-11

Leksyonaryo 182
Isaias 40:1-11 arrow right

Isaias 40:25-31

Leksyonaryo 183
Isaias 40:25-31 arrow right

Isaias 41:13-20

Leksyonaryo 184
Isaias 41:13-20 arrow right

1 Samuel 1:24-28

Leksyonaryo 198
1 Samuel 1:24-28 arrow right

Genesis 37:3-4, 12-13a, 17b-28a

Leksyonaryo 234
Genesis 37:3-4, 12-13a, 17b-28a arrow right

Isaias 65:17-21

Leksyonaryo 244
Isaias 65:17-21 arrow right

Santiago 3:13-18

Leksyonaryo 341
Jas 3:13-18 arrow right

Santiago 4:1-10

Leksyonaryo 342
Jas 4:1-10 arrow right

Isaias 26:7-9, 12, 16-19

Leksyonaryo 392
Isa 26:7-9, 12, 16-19 arrow right

Eccl/Qoh 3:1-11

Leksyonaryo 453
Eccl/Qoh 3:1-11 arrow right

Eccl/Qoh 11:9—12:8

Leksyonaryo 454
Eccl/Qoh 11:9—12:8 arrow right

Taga-Galacia 3:1-5

Leksyonaryo 464
Gal 3:1-5 arrow right

Bagong Tipán


Santiago 5:7-10

Leksyonaryo 7
Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol Santiago

Kaya nga’t magtiyaga kayó, mga kapatid,
hanggang sa pagdating ng Panginoón.
Tingnan ninyo ang magsasaka.
Buong-tiyaga niyáng hinihintay
ang mahalagang bunga ng kaniyáng bukirin,
at ang pagpatak ng una at huling ulan.
Dapat din kayóng magtiyaga.
Tibayan ninyo ang inyóng loob,
sapagkat nalalapit na ang pagdating ng Panginoón.
Huwag kayóng maghinanakitan, mga kapatid,
upang hindi kayó h arrow right

Tito 3:4-7

Leksyonaryo 15
Tito 3:4-7 arrow right

Taga-Roma 10:8-13

Leksyonaryo 24
Mga kapatid:
Itó ang sinasabi ng Banál na Kasulatan:
"Malapit sa iyó ang salita,
nasa iyóng mga labi at nasa iyóng puso,"
ibig sabihi'y ang salitang pinangángaral namin tungkól sa pananampalataya.
Kung ipaháhayág ng iyóng mga labi na si Hesús ay Panginoón
at mananalig ka nang buóng puso na siyá'y muling binuhay ng Diyós,
maliligtás ka.
Sapagkát nananalig ang tao sa pamamagitan ng kaniyáng puso
at sa gayó'y napawawaláng-sala;
at nagpápah arrow right

2 Timoteo 1:8b-10

Leksyonaryo 25
Pagpapahayag mula sa Ikalawang Sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo
Pinakamamahal kong kapatid:
Makihati ka sa kahirapan
dahil sa Mabuting Balita,
sa tulong ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin
upang tayo’y maging kanyang bayan.
Ito’y ginawa niya sa pamamagitan ni Kristo Hesus,
hindi dahil sa ating mga gawa
kundi ayon sa kanyang layunin at kagandahangloob
na inilaan sa atin bago pa magsimula ang panahon.
Ngunit nahayag lamang ito na arrow right

1 Taga-Corinto 1:22-25

Leksyonaryo 29
Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Ang mga Judio’y humihingi ng kababalaghan bilang katunayan.
Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego.
Ngunit ang ipinangangaral nami’y si Kristong ipinakó sa krus
– isang katitisuran sa mga Judio at kahangalan para sa mga Hentil.
Subalit sa mga tinawag ng Diyós,
maging Judio at Griego,
si Kristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyós.
Sapagkat a arrow right

Taga-Efeso 2:4-10

Leksyonaryo 32
Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid:
Napakasagana ang habag ng Diyós
at napakadakila ang pag-ibig na iniukol niyá sa atin.
Tayo’y binuhay niyá kay Kristo kahit noong tayo’y mga patay pa
dahil sa ating pagsuway.

Naligtas nga kayó
dahil sa kaniyáng kagandahang-loob.
Dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo Hesús,
tayo’y muling binuhay na kasama niyá
at pinaupong kasama niyá sa kalangitan. arrow right

Ebreo 5:7-9

Leksyonaryo 35
Pagpapahayag mula sa Sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid:
Noong si Hesús ay namumuhay rito sa lupa,
siyá’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyós
na makapagliligtas sa kaniyá sa kamatayan.
At dininig siyá
dahil sa lubusan siyáng nagpakumbaba.
Bagamat siyá’y Anak ng Diyós,
natutuhan niyá ang tunay na kahulugan ng pagsunod
sa pamamagitan ng pagtitiis.
At nang maganap na niyá ito,
siyá’y naging walang hanggang Tagapagligtas
arrow right

Filemon 3:8-14

Leksyonaryo 36
Mga kapatid:
Inari kong kalugihan ang lahát ng bagay
bilang kapalit ng lalong mahalaga,
ang pagkakilala kay Kristo Hesús na aking Panginoón.
Ang lahát ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan
makamtan ko lamang si Kristo,
at lubos na makiisa sa kaniyá.
Hindi ko na hangad na maging matuwid
sa pamamagitan ng kautusan
kundi sa pananalig kay Kristo.
Ang pagiging matuwid ko ngayon ay kaloob ng Diyós
batay sa pananampalataya.
arrow right

1 Taga-Corinto 12:3- 7.12-13

Leksyonaryo 62
Mga kapatid:
Hindi masasabi ninuman,
“Panginoon si Hesus,”
kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo.
Iba’t iba ang kaloob,
ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito.
Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod,
ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran.
Iba’t iba ang mga gawain,
ngunit iisa lamang ang Diyos
na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon.
Ang bawat isa’y binigyan ng kaloob na naghahayag
arrow right

1 Taga-Corinto 10:31-11:1

Leksyonaryo 77
Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:
Kung kayo’y kumakain o umiinom,
o anuman ang ginagawa ninyo,
gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.
Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman –
ng mga Judio, ng mga Griego,
o mga kaanib sa Simbahan ng Diyos.
Ang sinisikap ko nama’y
mabigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko;
hindi ko hinahanap ang sarili kong kapak arrow right

1 Taga-Corinto 3:16-23

Leksyonaryo 79
Pagpapahayag mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid,
hindi ba ninyó alam na kayó’y templo ng Diyós
at naninirahan sa inyó ang kaniyáng Espiritu?
Parurusahan ng Diyós ang magwasak ng templo niyá.
Sapagkat banal ang templo ng Diyós,
at kayó ang templong iyan.
Huwag dayain ninuman ang kaniyáng sarili.
Kung may nag-aakalang siyá’y marunong ayon sa sanlibutang ito,
ibilang niyáng siyá’y mangmang
upang m arrow right

Taga-Colosas 1:15-20

Leksyonaryo 105
Si Kristo ang larawan ng Diyós na di-nakikita,
at siyáng may kapangyarihan sa lahát ng nilikha.
Sapagkat ang lahát ng nasa langit at nasa lupa,
nakikita man o hindi,
pati ang mga naghahari at namamahala,
mga namumuno at may kapangyarihang espirituwal ay pawang nilikha ng Diyós
sa pamamagitan niyá at para sa kaniyá.
Siyá’y una sa lahát,
at sa kaniyá nasasalalay ang kaayusan ng lahát ng bagay.
Siyá ang ulo ng Simbahan na kaniyáng katawan.
arrow right

Taga-Roma 11:33-36

Leksyonaryo 121
Pagpapahayag mula sa Sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma

Napakasagana ng kayamanan ng Diyós!
Di matarok ang kayamanan,
karunungan at kaalaman ng Diyós!
Hindi malirip ang kaniyáng mga panukala at pamamaraan!
Gaya ng nasusulat:
"Sapagkat sino ang nakaalam sa pag-iisip ng Panginoón,
o sino ang naging tagapayo niyá?
Sino ang nakapagkaloob ng anuman sa Diyós
para siyá nama'y gantimpalaan?"
Sapagkat mula sa kaniyá at sa pamamagitan niyá arrow right

Taga-Efeso 5:21-32 or 5:2a, 25-32

Leksyonaryo 122
Ephesians 5:21-32 arrow right

1 Taga-Corinto 10:16-17

Leksyonaryo 167
Mga kapatid:
Hindi ba’t ang pag-inom natin sa kalis ng pagpapala
na ating ipinagpapasalamat ay pakikibahagi sa dugo ni Kristo?
At ang pagkain natin ng tinapay na ating pinaghahati-hati
ay pakikibahagi naman sa kaniyáng katawan?
Kaya nga,
yamang isa lamang ang tinapay,
tayo’y iisang katawan bagamat marami,
sapagkat nakikibahagi tayo sa iisang tinapay.

arrow right

Magandáng Balità


Lucas 21:25-28, 34-36

Leksyonaryo 3
Noong panahong iyon:
Sinabi ni Hesús sa kaniyáng mga alagad:
“Magkakaroon ng mga tanda sa araw,
sa buwan, at sa mga bituin.
Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito
dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat.
Ang mga tao’y hihimatayin sa takót
dahil sa pagiisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan;
sapagkat mayayanig at mawa-wala sa kani-kanilang landas
ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan.

Sa panahong i arrow right

Mateo 5:1-12a

Leksyonaryo 70
Noong panahong iyon,
nang makita ni Hesús ang napakaraming tao,
umahon siyá sa bundok.
Pagkaupo niyá’y lumapit ang kaniyáng mga alagad,
at silá’y tinuruan niyá ng ganito:

“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyós
sapagkat makakasama silá sa kaniyáng kaharian.

Mapalad ang mga nahahapis,
sapagkat aaliwin silá ng Diyós.

Mapalad ang mga mapagpakumbaba,
sapagkat tatamuhin nila ang ipinangakó ng Diyós.
arrow right

Marcos 7:31-37

Leksyonaryo 128
Noong panahong iyon,
pagbabalik ni Hesús mula sa lupain ng Tiro,
dumaan siyá sa Sidon,
at nagtuloy sa Lawa ng Galilea,
matapos tahakin ang lupain ng Decapolis.
Dinala sa kaniyá ang isang lalaking bingi at utal
at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kaniyáng kamay.
Inilayo muna siyá ni Hesús sa karamihan,
at isinuot ang kaniyáng mga daliri sa mga tainga nito.

Pagkatapos,
lumura at hinipo ang dila nito.
Tumingala si H arrow right

Lucas 14:25-33

Leksyonaryo 129
Lucas 14:25-33

Ang Magandáng Balità ng Panginoón ayon kay San Lucas:

Noóng panahóng iyón, sumama kay Hesus ng napakaraming tao;
humaráp siyá sa kanilá at kaniyáng sinabi,
“Hindî maaaring maging alagád ko
ang sinumáng umiibig sa kaniyáng amá at iná
asawa at mga anák, mga kapatid,
at maging sa sarili niyáng buhay nang higit sa akin.
Ang sinumáng hindi magpasán ng sariling krus at sumunód sa akin
ay hindi maaaring maging alagád ko.

arrow right


Mateo 18:21-35

Leksyonaryo 130
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,
lumapit si Pedro kay Hesús at nagtanong sa kaniyá,
“Panginoón,
makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit
na nagkakasala sa akin?
Makapito po ba?"

Sinagot siyá ni Hesús,
“Hindi ko sinasabing makapito,
kundi pitumpung ulit pa nito.
sapagkat ang paghahari ng Diyós ay katulad nito:
Iipinasiyá ng isang hari
na pagbayarin ang kani arrow right

Marcos 8:27-35

Leksyonaryo 131
Noóng panahóng iyón,
si Hesus,
kasama ang kaniyáng mga alagád,
ay nagtungo sa mga nayon ng Cesarea,
sakop ni Filipo.
Samantalang silá’y naglalakbáy,
tinanóng niyá ang kaniyáng mga alagád,
“Sino raw ako ayon sa mga tao?"

Sumagót silá,
“Ang sabi ng ilán ay si Juan Bautista kayó;
sabi namán ng iba,
si Elias kayó;
at may nagsasabi pang isa kayó sa mga propeta."

“Kayo namán – anó ang sabi ninyó?
Sino akó?" arrow right

Lucas 15:1-32 o 15:1-10

Leksyonaryo 132
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noong panahong iyón,
ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit
upang makinig kay Hesus.
Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba.
Ang sabi nilá,
“Ang taong itó’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanilá.”

Kaya’t sinabi ni Hesus ang talinghagang itó:
“Kung ang sinuman sa inyó ay may sandaang tupa,
at mawala ang isa,
ano ang gagawin niya? arrow right

Mateo 20:1-16a

Leksyonaryo 133
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,
sinabi ni Hesús sa kaniyáng mga alagad ang talinghagang ito:
“Ang paghahari ng Diyós ay katulad nito:
lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan
upang humanap ng mga manggagawa.
Nang magkasundo na silá sa upa na isang denaryo maghapon,
silá’y pinapunta niyá sa kaniyáng ubasan.

Lumabas siyáng muli nang mag-iikasiyám ng umaga
at nakakita siyá ng iba pang t arrow right

Marcos 9:30-37

Leksyonaryo 134
Noong panahong iyon,
si Hesus at ang kaniyang mga alagad ay nagdaan sa Galilea.
Ayaw ni Hesus na malaman ito ng mga tao,
sapagkat tinuturuan niya ang kaniyang mga alagad.
Sinabi niya: “Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo at papatayin,
ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw.”
Hindi nila naunawaan ang sinabi niya,
ngunit natatakot naman silang magtanong sa kaniya.

  

At dumating sila sa Capernaum.
Nang sila’y nasa bahay na,
arrow right

Lucas 16:1-13 o 16:10-13

Leksyonaryo 135
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noóng panahóng iyón, sinabi ni Hesús sa kaniyáng mga alagád,
“May isang mayaman na may isang katiwalà.
Isinumbóng sa kaniyá na nilulustáy nitó ang kaniyáng ari-arian.
Kayá’t ipinatawag niyá at tinanóng:
‘Anó ba itóng naririnig ko tungkól sa iyó?
Isulit mo sa akin ng buo ang pangangasiwà mo sa aking ari-arian
pagkát mula ngayón ay hindi na ikáw ang katiwalà ko.’

Nawika ng katiwalà sa saril arrow right

Mateo 21:28-32

Leksyonaryo 136
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,
sinabi ni Hesús sa mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan:
“Ano ang palagay ninyó rito?

May isang tao na may dalawang anak na lalaki.
Lumapit siyá sa nakatatanda at sinabi,
‘Anak,
lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.’
‘Ayoko po,’ tugon niyá.
Ngunit nagbago ang kaniyáng isip at siyá’y naparoon.

Lumapit din ang ama sa ikalawa at gayund arrow right

Marcos 9:38-43, 45, 47-48

Leksyonaryo 137
Noong panahong iyon,
sinabi kay Hesus ni Juan,
“Guro, nakakita po kami ng isang taong nagpapalayas ng mga demonyo
sa pamamagitan ng pangalan mo,
at pinagbawalan namin
sapagkat hindi natin siya kasamahan.”


Ngunit sinabi ni Hesus,
“Huwag ninyo siyang pagbawalan,
sapagkat walang taong matapos gumawa ng kababalaghan sa pangalan ko
ang agad magsasalita ng masama laban sa akin.
Sapagkat ang hindi laban sa atin ay panig sa atin.
Si arrow right


Lucas 16:19-31

Leksyonaryo 138
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noong panahong iyón, sinabi ni Hesús sa mga Pariseo:
“May isáng mayamang nagdaramit nang mamahalin
at saganang-sagana sa pagkain araw-araw.

At may isa namáng pulubing nagngangalang Lázaro,
tadtád ng sugat, na nakalupasáy sa may pintuan ng mayaman
upang mamulot kahit mumong nahuhulog
mula sa hapág ng mayaman.
At doo’y nilalapitan siyá ng aso at dinidilaan ang kaniyáng mga sugat.

arrow right

Mateo 21:33-43

Leksyonaryo 139
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,
sinabi ni Hesús sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan:
“Pakinggan ninyó ang isa pang talinghaga.
May isang taong nagtanim ng ubas sa kaniyáng bukid,
at ito’y binakuran niyá.
Gumawa siyá roon ng pisaan ng ubas,
at nagtayo ng isang mataas na bantayan.
Pagkatapos,
kaniyáng iniwan sa mga kasama ang ubasan,
at siyá’y nagtungo sa ibang lupain.

N arrow right

Marcos 10:2-16 o 10:2-12

Leksyonaryo 140
Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus.
Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong,
“Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?”
Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?”
Sumagot naman sila,
“Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa
matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.”

  

Ngunit sinabi ni Hesus,
“Dahil sa katigasan ng inyong ulo
kaya niya inilagda ang ut arrow right

Lucas 17:5-10

Leksyonaryo 141
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noóng panahóng iyón, sinabi ng mga apostól sa Panginoón,
“Dagdagán po ninyó ang aming pananalig sa Diyós!”

Tumugón ang Panginoón,
“Kung maging sinlakí man lamang ng butil ng mustasa
ang inyóng pananalig sa Diyós,
masasabi ninyó sa puno ng sikomorong itó,
‘Mabunot ka, at matanim sa dagat!’ at tatalima itó sa inyó.

Ipalagáy nating kayó’y may aliping nag-aararo, o nagpapastól kaya ng tu arrow right

Mateo 22:1-14 o 22:1-10

Leksyonaryo 142
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon,
muling nagsalita si Hesús sa mga punong saserdote
at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng talinghaga.

Sinabi niyá:
“Ang paghahari ng Diyós ay katulad nito:
naghandog ng isang piging ang isang hari
sa kasal ng kaniyáng anak na lalaki.
Sinugo niyá ang kaniyáng mga alipin
upang tawagin ang mga inanyayahan
ngunit ayaw nilang dumalo.
Muli siyáng nagsugo arrow right

Marcos 10:17-30 o 10:17-27

Leksyonaryo 143
Noong panahong iyon,
habang paalis na si Hesus ay may isang lalaking patakbong lumapit,
lumuhod sa harapan niya at nagtanong,
“Mabuting Guro,
ano po ang dapat kong gawin
upang magkamit ng buhay na walang hanggan?”
Sumagot si Hesus,
“Bakit mo ako tinatawag na mabuti?
Walang mabuti kundi ang Diyos.
Alam mo ang mga utos:
‘Huwag kang papatay;
huwag kang mangangalunya;
huwag kang magnanakaw;
huwag kang magsisinungaling sa i arrow right

Lucas 17:11-19

Leksyonaryo 144
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Lucas

Noong panahong iyón,
sa paglalakbay ni Hesús patungong Jerusalem,
nagdaan siyá sa hangganan ng Samaria at Galilea.

Nang papasok na siyá sa isang nayon,
siyá’y sinalubong ng sampung ketongin.
Tumigil silá sa malayu-layo at humiyaw ng:
“Hesús! Panginoón!
Mahabag po kayó sa amin!”

Nang makita silá ay sinabi niya,
“Humayo kayó at pakita sa mga saserdote.”

At samantal arrow right

Mateo 25:31-46

Leksyonaryo 160
Noong panahong iyon,
sinabi ni Hesús sa kaniyáng mga alagad:
"Darating ang Anak ng Tao bilang Hari,
kasama ang lahát ng anghel,
at luluklok sa kaniyáng maringal na trono.

Sa panahong iyon,
matitipon sa harapan niyá ang lahát ng tao.
Silá'y pagbubukud-bukurin niyá,
tulad ng ginagawa ng pastor sa mga tupa at mga kambing.
lIalagay niyá sa kaniyáng kanan ang mga tupa,
at sa kaliwa ang mga kambing.
At sasabihin ng Hari sa mga nas arrow right

51 Pagbasa

UWIAN KALENDARYO AWITIN SALMO YAMAN MISA UGNAY