Awit | Salmo Sandaán Tatlumpút-Waló (138): Dalangin ng Pagpapasalamat
Pakinggan
1. Akó, Poón, buóng-pusong aawit ng pasalamat,
sa haráp ng mga anghel, pupurihin kitáng ganáp.
Sa haráp ng iyóng templo ay yuyuko at gagalang,
pupurihin kita roon, pupurihin ang ‘yong ngalan.
2. Dahilán sa pag-ibig mo at sa iyóng katapatan,
iká’y tunáy na dakilŕ, pati iyóng kautusan.
Noóng akó ay tumawag, tinanggáp ko ang tugón mo,
sa lakás mong itinulong ay lumakás agád akó.
3. Kung ang D’yós mang Panginoón ay dakilŕ at mataás,
hindî niyá nililimot ang abá at mahihirap;
kumublí ma’y kita niyá yaóng hambóg at pasikat.
Kahit akó’y nababatbát ng maraming suliranín,
akó’y waláng agam-agam, panatag sa iyóng piling.
Magandáng Balitŕ Biblia © 1980 Philippine Bible Society.