Awit | Salmo Limampút-Isá (51): Paghingî ng Kapatawarán
Pakinggan
1. Akó’y kaawaan, O mahál kong D’yós,
Sang-ayon sa iyóng kagandahang loób;
Mga kasalanan ko’y iyóng pawiin,
Ayon din sa iyóng pag-ibig sa akin!
Linisin mo sana ang aking karumhán
At ipatawad mo yaring kasalanan!
2. Ang pagsalansang ko ay kinikilala,
Laging nasa isip ko at alaala.
Sa iyó lang akó nagkasalang tunáy,
At ang nagawâ ko’y di mo nagustuhán,
Kayâ may mat’wid ka na ako’y hatulan.
3. Marapat na akó’y iyóng parusahan,
Akó’y masamâ na buhat nang iluwál,
Makasalanan na nang akó’y isilang.
Nais mo sa aki’y isang pusong tapát,
Puspusin mo akó ng dunong mong wagás.
4. Akó ay linisin, sala ko’y hugasan
At akó’y puputi nang waláng kapantáy.
Sa galák at tuwâ akó ay puspusin,
At mulíng babalik ang galák sa akin.
Ang kasalanan ko’y iyó nang limutin,
Lahát kong nagawang masamá’y pawiin.
5. Isáng pusong tapát sa aki’y likhain,
Bigyán mo, O D’yós, ng bagong damdamin.
Sa iyóng harapán h’wag akóng alisín,
Ang Espiritu mo ang papaghariin.
Ang galák na dulot ng ‘yong pagliligtás.
Kung magkagayon na, aking tuturuang
Sa iyó lumapit ang makasalanan.
Magandáng Balità Biblia © 1980 Philippine Bible Society.