Awit | Salmo Labíng-Anim (16): Dalangin ng Pagtitiwalŕ
Pakinggan
1. O D’yós, akó’y ingatan mo, ingatan ang iyóng lingkód,
Ang hangád ko ay maligtás kayâ sa ‘yó dumudulóg.
“Iká’y aking Panginoón,” ang wikŕ ko sa aking D’yós,
“Kabutihang tinanggáp ko ay ikáw ang nagkaloób.
Ikáw lamang O Poón ko, ang lahát sa aking buhay.
Akó’y iyóng tinutugón sa lahát kong kailangan.”
2. Pinupurě ko ang Poón na sa akin ay patnubay.
Kahit gabí diwŕ n’yá ang sa aki’y umaakay,
Nababatíd ko na s’yá’y kasama ko sa oras-oras,
Sa piling n’yá kailanmá’y hindî akó matitinag.
3. Kayá’t akó’y nagdiriwang ang diwŕ ko’y nagagalák;
Ang lagě kong nadaramá’y hindî akó matitinag,
Pagkát di mo tutulutang ang mahál mo ay malagak,
Sa balón ng mgá patáy upang doón ay maagnás.
Magandáng Balitŕ Biblia © 1980 Philippine Bible Society.